pag-IBIG nga ba?
Oo, ang sabi ng puso mo mahal mo siya
Kaya’t ipaglalaban kahit kanino pa
Maging sa pamilya, kaibigan at kahit sa sarili mo
Basta’t alam mong andyan lang din siya nagmamamahal sa’yo
Sabi mo nga masarap ang magmahal at mahalin
Kaya ang utos ng mga puso’y inyong susundin
Ang sabi mo pa nagkaroon ng halaga ang iyong buhay
Mundo mo’y naging Masaya at makulay
Ngunit sapat na bang lahat ng ito
Upang sundin ang tanging nais nyo
Gayong sa una pa lamang batid nyo na
Ang hangad ng mga puso’y di tama
Pag-ibig nga bang maituturing
Kung ang hangad na magkapiling
Dulot ay pasakit at pagdurusang walang hanggan
Sa’yo at sa kanila na nagmamahal sa inyo kailanman
———–
Pag-ibig nga ba?
Kailan siya tama? At kailan siya mali?
Paano kung ang sabi ng puso mo ay tama at ang sabi ng isip mo ay mali? Sino ang susundin mo?
Sapat na bang maging masaya ka? Paano kung may masasaktan?
Hanggang saan mo kayang magtiis at mabigay? Ngunit kaya mo bang sarili lang ang isipin?
Ang hirap no? Minsan kailangan mo talagang pumili. Masasaktan ka at makakasakit ka panigurado. Pero ganun talaga nagmamahal ka e. Pwedeng di masuklian ng minahal mo. Pwedeng sa una pa lang alam mong panandalian lang. Pwede ring di mo pala talaga siya dapat minahal. Kung pwede nga lang pigilan bakit hindi. Pero mahirap eh d b? Kailangan nga bang maging mahirap ang pag-ibig? Ano ang kaya mong ibigay at isakripisyo? Hanggang saan ang kaya mong ipagtiis? Pero anuman ang mangyari, sana d ka mapagod magmahal. Kahit paulit-ulit kang masaktan. Huwag mong isasara ang puso mo.
Kasi ang pag-ibig, eto ang buhay eh.

Mag-iwan ng Tugon